Wednesday, August 12, 2009

FILIP11 - Talumpati

Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag ingles.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.

Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7. At pagkatapos ng rebolusyon sa EDSA muling isinakatuparan ang bagong kautusan na nagsasaad na ang Filipino ang siyang Wikang pambansa, hindi tagalong, hindi Pilipino.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaĆ½ isang tunay na Pilipino.

Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat sa inyong pakikinig at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

3 comments:

  1. thanks..blessing skn ang talumpati mo!!
    ganda..pagbutihan mo pa..
    tsaka dpat lmang n marami kang gawa..hehehe..
    pwede kang mging makata..!!
    .....dholie....

    ReplyDelete
  2. wow! thanks for appreciating it... break a leg.... winning piece ko yan.... nag 3rd place ako jan out of 37 contestant... (share lang)

    ReplyDelete
  3. hey..Rusty Lopez is a Philippine brand..

    ReplyDelete